National Shrine of Our Mother of Perpetual Help

Shrine of Devotion, Shrine of Mission

Redemptorist

Baclaran, Philippines

Testimonials   |   About

Testimonials

Here are some testimonials of our devotees who have received blessings from God through Our Mother of Perpetual Help!

isang Patotoo

Magandang araw po sa inyo, at sa mga deboto ng Mahal na Birhen.

 

Sa nakaraang limang taon simula ng ako ay makapagtapos ng kolehiyo, hinangad ko na makapagtrabaho sa ahensiya ng gobyerno bilang serbisyo sa bansa. Ngunit, sa loob ng limang taon na din iyon ay hinarap ko ang iba't-ibang uri ng hamon na sumubok sa aking prinsipyo, integridad, at pagkatao. Kasabay nito ang mga hindi matagumpay na relasyon na nauwi sa mga gabing luha ang aking katabi. Oktubre ng nakaraang taon ng naisipan ko na umalis sa aking trabaho, dulot na rin ng patuloy kong pagkakasakit dahil sa stress. Itinuon ko ang aking pansin sa pagaaral ng aking Masters, habang sumusulat ng mga artikulo bilang part-time job. Ito ang mga panahon na ako ay nagnilay at inalala ang mga nakaraang taon, kung ano ang mga mali na aking nagawa at kung ano ang aking susunod na hakbang. Ito rin ang panahon na madalas na muli akong manalangin. Sumasama ako sa aking ina sa tuwing unang Miyerkules ng buwan upang mag-Novena sa Baclaran. Tuwing Linggo at nagtitrik din ako ng vigil candles sa aming simbahan.

 

Malinaw sa aking isipan ang dalawang bagay na paulit-ulit kong idinasal noon. Sa bawat kandila na aking itinitirik, lagi kong pinagdadasal na: "kayo na po ang bahala kung sino ang para sa akin. Kung may ibibigay po kayo, sana siya na." at "Hindi ko po alam kung anong plano niyo para sa akin. Kung hindi man po sa gobyerno ang para sa akin, sana po bigyan niyo po ako ng trabaho na mamahalin ko at kung saan makakatulong ako."

 

Hulyo ng taon na ito ay may nakilala ako, at sa hindi inaasahang pagkakataon. Hindi ko ikakaila ng nakilala ko siya ng lubusan at kami ay naging magnobyo, ay higit ang pasasalamat ko dahil pinakinggan ang dasal ko. Banayad ang aking damdamin, at alaga ang aking puso. Nakikita namin ang isa't isa sa aming kinabukasan, at kami ay nagsusumikap para sa aming pagsasama. Sa mga nakaraang buwan ay nagpasya ako na maghanap na muli ng trabaho. Gobyerno or pribadong sector at nagpadala ako ng mga aplikasyon. 1 1/2 buwan na ang nakaraan ng ako ay maanyayahan sa isang interview. Kamakailan lamang ay pinabalik ako at pumirma ng kontrata sa kanila. Lubos ang aking galak dahil napakinggan ang aking mga dasal.

 

Nais kong ipaalala sa aking kapwa deboto na, sa mga oras na tahimik ang Panginoon, gumagawa siya ng paraan upang masagot ang inyong panalangin. Patuloy na manalig at magtiwala na ibibigay Niya sainyo ang biyayang nararapat sainyo, sa panahon na ukol sa kaniya.

 

Maraming salamat at sana ay magsilbing inspirasyon ang aking testimonya, at patuloy na manalig sa Panginoon at Mahal na Birhen.

 

 

 

 

 

 

What is your story?

 

Do you have a story to tell about the graces and blessings you experienced through Our Mother of Perpetual Help. We and the thousands of devotees will be happy to hear your testimony. Please feel free to share your story in the form or in the facebook comment below.

Submitting Form...

The server encountered an error.

Form received.

Captcha Image

National Shrine of Our Mother of Perpetual Help

Redemptorist Road,

Baclaran, ParaƱaque City 1700

Redemptorist Baclaran, 2017

C

Tel: +63 2  8321150

Fax: +63 2 551175

Email: baclaranrector@yahoo.com

Terms of Use

National Shrine of Our Mother of Perpetual Help

Shrine of Devotion, Shrine of Mission

Captcha Image

C

Redemptorist Baclaran, 2017

National Shrine of Our Mother of Perpetual Help

Redemptorist

Baclaran, Philippines

Shrine of Devotion, Shrine of Mission

Captcha Image

Redemptorist Baclaran, 2017

C

National Shrine of Our Mother of Perpetual Help

Captcha Image

C

National Shrine of Our Mother of Perpetual Help

Redemptorist Road,

Baclaran, ParaƱaque City 1700

Tel: +63 2  8321150

Fax: +63 2 551175

Email: baclaranrector@yahoo.com

Redemptorist Baclaran, 2017

Terms of Use

National Shrine of Our Mother of Perpetual Help

Captcha Image

National Shrine of Our Mother of Perpetual Help, Redemptorist Baclaran, 2017

C

Terms of Use